-- Advertisements --

Nasa mahigit 3,000 pasyente ang nabigyang serbisyo ng Philippine Red Cross (PRC) Emergency Medical Services (EMS) Teams sa nagdaan na panahon ng Semana Santa.

Sa ilalim ng direktiba ni PRC chairman at CEO, Senator Richard Gordon ay nagtalaga ang PRC ng nasa 1,399 PRC EMS personnel, operating 127 first aid stations, at 97 ambulance units sa mga simbahan, highway, terminal, beaches, parks, pilgrimages, and mga bundok sa buong bansa mula Abril 10 (Palm Sunday) hanggang Abril 17 (Eastern Sunday).

Sa datos ay nasa 3,224 na mga pasyente sa buong bansa ang nahatiran ng tulong medikal ng PRC Emergency units.

Nasa 12 na mga pasyente dito ay nakaranas ng major conditions tulad fracture o sugat sa ulo, habang nasa 21 naman ang dinala sa mga medical facilities dahil sa hirap sa paghinga, suspected fracture, maraming gasgas, sugat mula sa pagkakabaril, contusion at laceration.

Bukod dito ay nakapagtala rin ng nasa 150 minor cases ang PRC kabilang ang pagkahilo, gasgas, mga hinimatay, sprain, allergic reaction, animal bite at iba pa.

Apat sa mga ito ang ini-refer sa medical facilities o sa psychosocial support.