Binigyang diin ng Philippine Ports Authority (PPA) na palalakasin nito ang mga pagpapabuti ng mga pasilidad ng daungan nito kabilang ang pagtatayo ng mga nakalaang daungan para sa cruise tourism.
Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago na ang mga kasalukuyang proyekto, gayundin ang mga nasa construction plan ay naglalayong magbigay ng mas ligtas at mas maginhawang karanasan sa transportasyong pandagat sa mga turista na sakay ng mga cruise vessel.
Dagdag pa niya, ipinagmamalaki ng PPA na natanggap na ng Pilipinas ang Best Cruise Destination Award na kinikilala lamang ang mga hakbang na ipinatutupad ng pambansang pamahalaan, sa pamamagitan ng Department of Tourism at iba pang ahensya na kinabibilangan ng PPA.
Ang parangal ay batay sa kamakailang mga parangal sa World Cruise.
Sa bahagi ng PPA aniya, sinimulan ng kanilang ahensya ang pagtatayo ng mga terminal na nakatuon sa mga cruise operation.
Sisiguraduhin ng PPA na lahat ng mga daungan ay makakapag-accommodate ng malalaking cruise ship na inaasahang bibisita sa Pilipinas.
Kabilang sa mga daungan sa ilalim ng PPA na tumutugon sa mga cruise vessel ay ang Ports of Currimao sa Ilocos Norte, Salomague sa Ilocos Sur, Manila, Bohol at El Nido, Palawan.