-- Advertisements --

Pumanaw na ang American actor na si Jason David Frank sa edad 49.

Ayon sa kaniyang representative na si Justine Hunt na nakita na lamang ang bangkay nito sa bahay niya sa Texas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad ay hinihinalang nagpakamatay ang nasabing actor.

Nakilala si Frank sa pagganap bilang si Tommy Oliver ng original franchise ng “Mighty Morphin Power Rangers” noong 1993.

Nag-aral ito ng Taekwondo, Muay Thai, Judo, Brazilian Jiu-Jitsu at lumaban sa mga mga torneo mula 2008 hanggang 2010.

Labis naman ang kalungkutan ng mga nakasama nito sa nasabing pelikula kung saan sa kani-kanilang mga social media ay ibinahagi ang mga masasayang alaala nila kasama ang actor.