-- Advertisements --
image 312

Pansamantalang ban o ipinagbabawal ang pagpasok sa Pilipinas ng mga poultry products mula sa Netherlands dahil sa napaulat na outbreak ng brid flu sa nasaing European country.

Sa inisyung Memorandum order ng Department of Agriculture (DA) na agad na epektibo, ipinagbabawal ang pag-aangkat ng Dutch wild birds at kanilang mga produkto kabilang na ang poltry meat, day-old chicks, itlog at semilya.

Ang hakbang na ito ng DA ay para maprotektahan ang kalusugan ng local poultry population sa bansa laban sa bird flu.

Ayon pa sa ahensiya, tatanggapin lamang ang mga shipments na galing sa Netherlands na ibiniyahe, kinarga o tinanggap sa mga pantalan bago ang paglalabas ng naturang order sa Dutch authorities sa kondisyon na kinatay at na-produce ang nasabing mga produkto sa mismo o bago ang July 9.

Una rito, ang Netherlands ang isa sa mga supplier ng produktong karne sa Pilipinas kung saan sa unang anim na buwan ng 2023, nakapag-export ito ng 31.3 million kilo ng karne sa bansa ayon sa data mula sa Bureau of Animal industry.