-- Advertisements --
Tumaas ang produksyon ng Pilipinas sa poultry o mga alagang manok, pato, at iba pang kahalintulad na produkto para sa ikalawang quarter ng taon.
Batay sa datus, umabot sa P64.54billion ang kabuuang halaga ng naging poultry production ng bansa sa nasabing quarter.
Mas mataas ito ng 1.5% kumpara sa naitala nitong 2nd quarter ng nakalipas na taon na P63.6billion.
Umangat ng 7.1 % ang naging produksyon sa pato habang 3.2% naman ang iniangat ng produksyon sa karne ng manok.
Pero sa likod nito, naitala naman ang pagbaba sa produksyon ng itlog.
Para sa itlog ng pato, bumaba ito ng hanggang 8.6% habang 2.1% naman sa itlog ng manok