Nilagdaan na ng Department of Energy (DOE) ang kasunduan kasama ang Australia-based research at development company na Star Scientific Ltd,, para aralin ang hydrogen bilang potensyal na energy source sa Pilipinas.
Ang memorandum of understanding (MOU) ay nilagdaan nina Energy Secretary Alfonso Cusi at Star Scientific senior adviser to the chairman Robert Briggs.
Sa ilalim ng naturang MOU, ay nagpahayag ang gobyerno ng Pilipinas at Star Scientific ng kanilang intensyon upang i-explore ang paggamit ng hydrogen bilang fuel pra sa power generation. Gayundin ang posibleng papel nito sa ekonomiya ng bansa.
Nakasaad din sa kasunduan na iimbestigahan ng dalawang partido ang hydrogen production sa Pilipinas bilang isa sa mga hakbang nito upang tuluyang maging energy dependent ang bansa at mabawasan na rin ang CO2 emissions.
Ayon kay Cusi, matagal na raw niyang naiisip na may potensyal ang hydrogen para sa lokal na industriya ng bansa lalo na kung mabibigyan ito ng sapat na pansin sa hinaharap.
Nagpasalamat din ang kalihim sa Australian government at Star Scinetifc dahil sa kanilang pagtulong para siyasatin ang potensyal ng hydrogen sa pamamagitan ng renewable resources at iba pang energy assets.
Umaasa aniya ang ahensya na sa magagamit ang hydrogen upang maging gasolina ng mga electric vehucles at maging parte na rin ng future energy mix ng Pilipinas.