Matapos ang limang araw na diskusyon ay nagkaroon na ng kasunduan ang mga pinuno ng European Union na aprubahan ang 750 million euro o mahigit P42-million deal upang pondohan ang muling pagbangon ng mga bansa mula sa coronavirus crisis.
Sa naganap na pagpupulong ay naging hati pa ang pananaw ng mga EU leaders dahil ang iba ay iniisip ang kabuuang halaga na aabutin para tulungan ang 27-member bloc.
Itinuturing ngayon ito bilang “historic day” sa kasaysayan ng Europa ayon kay French President Emmanuel Macron.
Ang naturang kasunduan ay nakasentro sa €390 billion o nagkakahalaga ng halos P20-trillion program grants sa mga member states na lubhang naapektuhan ng pandemic. Inaasahan na ang Italy at Spain ang unang makatatanggap ng pondo.
Habang ang €300 billion (P14-trillion) ay nakalaan sa low-interest loans na mapapakinabangan lamang ng mga bansang nasa ilalim ng EU.
Umabot ng 90 oras ang summit na sinimulan noong Biyernes sa Brussels, Belgium.