-- Advertisements --

Susubukan na ng Brazil ang advanced clinical testing ng Chinese-made vaccine laban sa coronavirus disease kung saan maglalabas ito ng unang dose para sa 900 volunteers.

Ang CoronaVac ay dinivelop ng isang pribadong Chinese pharmaceutical firm na Sinovac. Ito ang ikatlong pharmaceutical company na sumabak sa Phase 3 trials o large-scale human testing.

Nakatakda itong ibigay sa mga doktor at iba pang health workers mula sa anim na estado ng Brazil na nagboluntaryo sa nasabing programa.

Ayon kay State Governor Joao Doria, sisimulan ang testing sa Clinical Hospital ng Sao Paulo. Inaasahan na lalabas ang initial result nito sa loob ng 90 araw o tatlong buwan.

Nakipagtulungan ang Sinovac sa isang Brazilian public health research center para sa human trial. Sa oras na mapatunayang ligtas at epektibo ang bakuna, magkakarron ng karapatan ang institusyon na mag-produce ng 120 million doses sa ilalim ng kanilang kasunduan.

Nananatiling nasa ikalawang pwesto ang Brazil sa mga bansang pinaka-malalang tinamaan ng COVID-19 pandemic.

Sa ngayon ay pumalo na ng 80,000 ang deakth toll sa bansa at mayroon na itong naitalang 2.1 million infections.