-- Advertisements --
covid 19 534x450 1

Maaaring umabot sa 25% ang pitong araw na COVID-19 positivity rate sa Metro Manila ngunit ang healthcare utilization rate (HCUR) ng kabisera ay mananatiling nasa mababang antas, ayon sa ulat ng independent monitoring group na OCTA Research.

Ang pahayag ni OCTA Fellow na si Dr.Guido David ay isang araw matapos iulat ng grupo ang positivity rate – o ang porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa coronavirus sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri na kung saan umabot sa 20.4% noong Mayo 3.

Sinabi ni David na ang huling pagkakataon na ito ay higit sa 20% ay noong Enero 29, 2022, sa panahon ng Omicron BA.2 surge.

Aniya, hindi lang siya ang nakakakita ng posibilidad na pag-akyat ng porsyento ngunit pati iba pang nga eksperto.

Sa kabilang banda, ang healthcare utilization naman ay hindi nila inaasahang tataas.

Una na rito, ayon sa pinakahuling naitala ng DOH, ang pilipinas ay may bagong 1,153 na kaso ng COVID19.