Iniulat ng independent group OCTA Research na tumaas ng 16% ang covid-19 daily positivity rate o porsyento ng mga nagpopositibo sa sakit sa National Capital Region.
Ito ay bahagyang pagtaas sa naunang iniulat na 14.65 positivity rate sa rehiyon ng OCTA umaga ng Biyernes.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang 1-week growth rate naman sa bagong kaso ng COVID-19 cases ay bumaba ng hanggang 15%.
Mayroon nanang average daily attach rate (ADAR) o ang average number ng bagong kaso sa isang period ang NCR na nasa 6.43 kada araw sa bawat 100,000 populasyon as of July 22.
Pagdating sa healthcare utilization rate sa NCR ito ay nasa 34% sa kasalukuyan at ang ICU occupancy rate naman ay nasa 26%.
Maikokonsiderang nasa critical risk ang health care at ICU occupancy rate kapag ito ay nasa mahigit 85%.
Ilan sa mga top regions na nakapagtala ng kaso ng covid-19 sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 11,112, sinundan ng Calabarzon – 6,592, Central Luzon – 3,007, Western Visayas – 2,309, at Central Visayas with 1,222.