-- Advertisements --
DOJ

Nadagdagan pa ng 16 ang bilang ng mga nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kawani ng Department of Justice (DoJ) ngayong araw.

Dahil dito, umakyat na sa 59 na empleyado ng DoJ ang nag-positibo sa naturang virus matapos silang isalang sa rapid test.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra kahapon ay 43 sa 273 na sumalang sa rapid test ang positibo sa covid habang ngayong araw 16 sa 175 naman ang positibo.

Dahil dito, magsasagawa raw ang DoJ ng mas maraming test sa kanilang mga empleyado lalo na’t tuloy-tuloy ang operasyon ng justice department.

Ang mga nag-positibo sa virus ay agad daw inatasang huwag nang mag-report sa trabaho at magpa-swab test.

Nangako naman si Guevarra na hindi mapaparalisa ang operasyon ng DoJ dahil sa dami ng mga nagpositibong empleyado sa naturang sakit.

Aniya, nagbigay na rin siya ng direktiba sa ilan pang mga empleyado na sumailalim na sa rapid test ngunit negatibo na mag-work from home na lang muna kung hindi naman sila kailangang physically present sa DoJ.