Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Army (PA) na nakaalerto ang kanilang puwersa sa kabila ng labis na pagtutok ng pamahalaan para labanan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay PA Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay, nasa anumang posibilidad na pag-atake ang iba’t ibang bandidong grupo pero may mga puwersa pa rin sila na naka-focus sa mga ito.

Aniya, sanay din ang mga sundalo sa multi-tasking kaya handa silang dumipensa sa sandaling maglunsad ng pag-atake ang mga kalaban.

Giit nito na sapat ang puwersa ng Army para pangalagaan ang seguridad sa mga kanayunan lalo na sa mga lugar na kilalang may presensiya ng mga armado.