-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Mahigpit na tinututukan ngayon ng pamunuan ng Ilagan City District Jail ang posibilidad ng pagpupuslit ng mga kontrabando sa loob ng piitan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan na dinoble pa ang ginawang paghihigpit sa loob ng District Jail matapos na maaaprobahan ang implemantasyon ng “no contact visitation” kung saan mahigpit na sinusuri ang bibisitang kaanak ng mga persons deprived of liberty (PDL).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail Sr. Insp. Romeo Cabanayan, City Jail Warden ng Ilagan City District Jail, sinabi niya na sa ngayon ay ipinapatupad nila ang No contact visitation, may nakatalagang mga searchers upang matiyak na walang makakapasok na anumang uri ng kontrabando pangunahin na ang mga sigarilyo.

bago makapasok ang mga bibisita sa mga PDL ay masusi at mabusising sinusuri ng kanilang mga searchers ang mga dalang pagkain at iba pang mga dalang gamit ng mga dalaw.

Ayon pa kay Jail Sr. Insp. Cabanayan na wala pa silang naiatatalang insidente na nakasamsam ng mga kontrbando sa loob ng piitan.