Pinaghahandaan na ang posibleng pagpapatakbo sa Maharlika Investment Corp. (MIC) sa unang quarter ng 2024.
Ito ay kasabay ng paghahanda ng mga opisyal nito sa binubuong management team, kasama na ang presidente at Chief Executive Officer(CEO).
Ayon kay Pres/CEO Rafael Consing Jr, ang pinakaunang order of business ng binuong board of director ay ang mag-organisa at simulan ang hiring process para sa naturang government-owned and -controlled corporation.
Kailangan aniyang mabantayan ang maayos na pagsisimula ng naturang GOCC, kasama na ang hiring ng iba pang magiging bahagi nito.
Ayon kay Consing Jr, sinimulan na rin niyang bumuo ng hanggang 23 technical job description simula nang naitalaga siya sa kanyang posisyon noong Oktobre.
Paliwanag ng opisyal na mayroong tatlong mahahalagang trabaho ang board na kinabibilangan ng pamamahala, pamumuhunan, at risk management.
Sunod sa nakatakdang isapinal ng naturang board ay ang pagbuo ng organizational structure. Ang mabubuo nito ay kakailanganin pang aprubahan ng Governance Commission on GOCCs (GCG), kasama na si PBBM.
Maalalang ngayong buwan ng Disyembre ay nagtalaga si PBBM ng apat na regular at independent na direktor ng MIC na siyang pupuno sa majority seat na nakalaan sa ilalim nito. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang isang bakanteng pwesto na pupunan ng isang regular directo