Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang panukalang amyendahan o baguhin ang Kasambahay Law.
Ito ay upang lalo pang mabigyan ng mas higit na proteksyon ang mga kasambahay sa buong bansa.
Sa naging pahayag ng Komisyon, sinabi nito na ang klase o uri ng trabaho ng mga domestic helpers ay prone o lantad sa mga pang-aabuso o karasahan
Naniniwala ang komisyon na panahon na upang mabigyan ng ngipin ang naturang batas upang protektahan ang mga kasambahay .
Samantala, inirekomenda naman ng komisyon ang pagbuo ng mga emergency hotlines sa lebel ng mga brgy na maaaring matawagan ng mga kasambahay na minamaltrato o nanganganib ang kanilang buhay dahil sa pangmamalupit ng kanilang mga amo.
Ginawa ng komisyon ang pahayag kasabay ng pagkakalantad sa umanoy pangmamaltrato na dinanas ng kasambahay na si Elvie Vergara mula sa kamay ng kanyang mga amo.
Ito ay kasabay pa rin ng nagpapatuloy na pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa kontrobersyal na kaso.