-- Advertisements --
el nino

Inaasahang walang significant impact o minimal lamang ang magiging epekto sa ekonomiya ng bansa ng nakaambang pagtama ng El Nino sa bansa na magsisimula umnaong maramdaman sa buwan ng Hunyo ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay BSP Deputy Governor Francisco Dakila Jr na base sa nakalipas na naranasang El Nino ang climate phenomenon ay maaaring magpasipa sa inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ng hanggang 0.1 percentage point.

Ang naturang assessment ay base sa latest climate advisory ng state weather bureau kung saan inaasahang mararanasan ang mahina hanggang sa katamtamang El Nino episode sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto at posibleng magtalagal pa sa unang quarter ng susunod na taon.

Sa kabila nito may mga nakalatag ng programa o aktibidad ang economic team ng pamahalaan para matugunan lalo na ang suplay ng pagkain sa bansa.

Sinabi naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi inaasahan ang significant reduction o pagbawas sa local production lalo na sa bigas at mais.

Kayat bilang resulta hindi nakikita ang surge sa presyo ng mga pagkain sa bansa.