-- Advertisements --

Nagbabala si Congreswoman elect-Leila de Lima sa posibleng ‘di pagtuloy sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte na aniya ay isang pag-taksil sa ating justice system.

Ayon pa kay De Lima, dapat sundin ang proseso ng Konstitusyon kahit pa may agam-agam na kulang sa suporta ang kaso o may panggigipit mula sa mga makapangyarihan.

Ayon pa kay De Lima, dapat sundin ang proseso ng Konstitusyon kahit pa may agam-agam na kukulangin sa suporta ang itatakdang impeachment trial.

‘Even the president seems to suggest that he is not involved or does not want this to happen. But the question is clear: Will we follow the process, or turn against it out of fear or calculation?,’ ani ni De Lima.

Mababatid na Pebrero 5 nang maghain ng pinagsamang impeachment complaint ang 215 kongresista laban kay VP Duterte dahil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds at pagbabanta sa ilang opisyal ng pamahalaan, kabilang sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

Dahil lumagpas sa one-third requirement ng Kamara de Representantes ang mga nakuhang boto sa impeachment, nakasaad sa Konstitusyon na dapat agad itong isalang sa trial sa Senado.

Una naritong inanyayahan na ng Senado, sa pamumuno ni Senate President Francis Escudero, ang House prosecution panel para ihain ang Articles of Impeachment sa Hunyo 2.

Giit ni De Lima, ang pagsunod sa proseso ay tungkulin ng mga mambabatas upang mapanagot ang mga nasa kapangyarihan.

‘To abandon this process is to abandon the people who still believe in the promise of justice. It tells every Filipino that those in power are beyond reach, and that accountability is optional, pahayag pa ni De Lima.