Naniniwalaa ng isang mambabatas na lalong lalala at magdudulot ng panganib sa ating mga kababayan kapag tuluyang ipagbawal ang operasyon ng Philippine offshore gaming operations (POGOs) dito sa bansa.
Ayon kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda, posible kasing maging underground na ang naturang lugar dahil sa pag-digitize sa mga sugal.
Una na raw dito ang e-sabong at ang e-bingo at e-casino.
Kaya naman sinabi ni Salceda na mapapatigil lamang ang sugal sa bansa kapag ititigil din ang digitalization.
Dahil dito, sinabi ni Salceda na chairman ng committee on ways and means na mas maiging i-regulate na lamang ang mga POGO at buwisan ang mga ito nang maayos.
Kailangan din umanong maipatupad nang mahigpit ang batas sa bansa para maresolba ang gambling-related crimes gaya ng kidnapping, extortion at prostitution.
Dagdag ni Salceda, libo-libo raw na trabaho ang kayang maibigay para sa mga Pinoy sa operasyon ng POGO at nakakahu rin ang pamaalaan ng bilyong halaga ng revenue sa gobyerno at iba pang allied enterprises.
Noong kasagsagan daw ng operasyon ng POGO sa bansa ay malaki ang tulong ng POGO sa ekonomiya ng bansa dahil sa buwin ng mga itong aabot sa P600 billion.
Una nang sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na kailangang ihinto na ang POGO sa bansa dahil sa “social cost.”
Suportado rin ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa at Iloilo Representative Janette Garin ang panawagang i-ban na ang POGO sa bansa dahil na rin sa mga kontrobersiyang bumabalot sa naturang industriya.