Pinahiya ng Portugal ang Uruguay 2-0 sa Group H stage sa nagpapatuloy na 2022 FIFA World Cup sa Qatar.
Bumida sa panalo si Bruno Fernandes sa laro na ginanap sa Lusail stadium.
Unang nagtala ng puntos si Ronaldo sa loob ng 54th minuto subalit nakita na hindi pala nito natamaan ang bola kaya ibinigay ang puntos kay Fernandes.
Muling naulit ni Fernandes ang puntos sa huling minuto ng laro ng maipasok nito ang strike sa edge ng box.
Bahagyang napahinto ang laro ng tumakbo sa loob ng football field ang isang lalaki na may dalang rainbow flag na sumisimbulo sa LGBTQ at ito ay agad namang inaresto
Ito na ang pangalawang sunod na panalo ng Portugal sa World Cup na ang una ay noong 2006.
Dahil sa panalo ay tiyak na ang Portugal sa last 16 matapos na magtala ng anim na puntos.
Habang ang Uruguay ay nasa huling puwesto na mayroong 1 point at pangalawa ang Ghana habang pangatlo ang South Korea sa Group H.










