-- Advertisements --
image 85

Ikinokonsidera ng Portugal ang Pilipinas bilang isang napakahalaga at interesting market para sa mga produktong karne nito dahil sa hindi mapagkakailang pagmamahal para sa pork dishes.

Kung kayat, nakahanda ang Portugal na mag-export ng mga produktong baboy sa Pilipinas sa oras na maging accredited supplier na ito.

Paliwanag pa ni Antonio Tavares, kinatawan ng Filporc, isang interprofessional organization ng pork industry ng Portugal na may ilang parte ng karneng baboy ang hindi kinakain ng mga Portuguese at mga bansa sa Europa hindi tulad ng mga Filipino consumer.

Ayon kay , sa oras na magkaroon na sila ng accreditation sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan, sisimulan na agad ang pag-export ng kanilang karneng baboy.

Saad pa ng opisyal na inaasahang bibisitahin at iinspeksyunin ng mga awtoridad sa bansa ang kanilang mga pasilidad sa Hunyo ngayong taon na isa sa kinakailangan ng gobyerno ng Pilipinas bago makapag-secure ang isang partikular na bansa ng accreditation para maging exporter ng nasabing karne at iba pang meat products.

Bago mabigyan ng accreditation ang isang applicant country, batay sa direktiba ng Department of Agriculture , dapat na maging miyembro muna ito ng World Organization for Animal Health.

Sa kasalukuyan, tanging sa China, South Korea at Japan pa lamang nagbebenta o nagi-export ang Portugal ng kanilang meat products pagdating sa Asya.