Balik normal na raw ang operasyon ng ilang pantalan sa bansa matapos manalasa ang bagyong Paeng.
Ayon kay Philippine Ports Authority general manager Atty. Jay Daniel Santiago, bukas na raw ang mga pantalan sa bansa maliban sa ilang lugar gaya ng Culion sa Palawan.
Nananatili raw itong sarado at hanggang sa ngayon ay wala pa silang biyahe.
Kabilang naman sa mga naapektuhan na mga port dahil sa bagyo ay matatagpuan sa Quezon, Catanduanes, Mindoro at Batangas City.
Mayroon pa rin naman daw mangilan-ilang pasahero na apektado at stranded sa mga port pero bumaba na ang bilang ng mga ito.
Asahan pa rin naman daw na marami pa rin ang mga pasahero ngayong araw hanggang sa matapos ang long weekend.
Muli namang inabisuhan ni Santiago ang mga pasahero na agad mag-book ng kanilang ticket para masiguro ang kanilang biyahe at para maiwasan ang inconvenience sa mga port.