Lalo pang umiinit ang espekulasyon tungkol sa umano’y relasyon nina aktres Bea Alonzo at puregold president Vincent Co, matapos silang mamataan na magkahawak-kamay sa backstage ng Puregold OPM Con 2025 sa Philippine Arena noong Sabado, Hulyo 5.
Ang litrato, ay ipinost sa Instagram, kung saan nagpapakita sa dalawa kasama sa isang group photo.
“This power couple is probably the newest staunchest supporters of the OPM industry,” ayon sa caption.
Bagama’t hindi malinaw kung anong bahagi ng palabas sila nanood, nakita pa rin sila ng ilang netizens na lumilipat patungong suite section ng arena, ayon sa X post ng user na si @rhneditss.
Namataan din umano ang dalawa na kinukuhanan ng litrato kasama ang SB19, G22, at si Rico Blanco sa backstage na agad kumalat sa social media.
Unang nabuo ang tsismis noong Mayo 2025, matapos mapansin ng mga netizens ang magkahalintulad na larawan sa kanilang mga post habang nasa isang bakasyon sa Spain.
Sa isang larawang ipinost sa private account ni Co, makikitang may hawak siyang kamay ng isang babae, na pinaniniwalaang si Bea.
Mula noon, ilang beses nang nakita ang dalawa sa iba’t ibang okasyon, mula sa isang intimate gathering kasama si Heart Evangelista, hanggang sa dinner kasama si Sen. Bong Go, at ilang events ng nasabing grocery store.