Nahaharap sa kasong panggagahasa sa tatlong kababaihan ang kilalang adult film star na si Ron Jeremy.

Ayon sa Los Angeles prosecutors, inakusahan ang kilalang pornstar ng panggagahasa mula pa noong 2014.

Tatlo sa apat na insidente ay nangyari sa West Hollywood bar mula 2017 at 2019.

Habang ang 2014 na rape ay nangyari sa kapitbahay nito sa Los Angeles.

Pawang mga may edad 25 hanggang 46 ang mga babaeng nagsampa ng kaso laban kay Jeremy.

Sakaling mapatunayan ay posibleng makulong ang 67-anyos na porn actor ng hanggang 90 taon na pagkakakulong.

Itinakda naman ng piskalya sa $6.6 million ang piyansa nito.

Nakilala si Ronald Jeremy Hyatt sa paglabas sa mahigit 1,700 na hardcore movies gaya ng “Deep Throath II” at “John Bobbitt Uncut”.