-- Advertisements --

Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga karne ng baboy mula Germany kasabay ng patuloy na pagbabantay sa mga kaso ng African swine fever.

Ayon kay outgoing Agriculture Sec. Manny Piñol, dulot ito ng ginawang paglabag ng German exporter na Pro Food GmbH na nagtangkang magpasok ng karne na kontaminado ng sakit papasok ng Pilipinas.

Tugon din daw ito ng kagawaran sa mandatong nakasaad sa Food Safety Act.

“BAI Director Dr Ronnie Domingo said this was a serious violation which warranted the banning of all pork shipments from Germany,” ani Piñol.

Kamakailan nang makumpiska Cabu ang 250-kilo ng pork flat bones galing Poland.

Batay sa ulat, inihalo sa naturang shipment ang mga karne ng baboy na positibo sa African swine fever.

Inamin din ito ng kompanya at sinabing human error ang sanhi ng insidente.

Sa kabila nito tiniyak ng DA na ligtas pa rin ang Pilipinas mula sa sakit na nakakahawa lang sa mga baboy at hindi sa tao.