CEBU CITY- Ipinagbabawal pa rin sa lalawigan ng Cebu ang pagbabawal nang pagpasok ng mga pork products mula Luzon.

Paglilinaw ito ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia kasunod ng kautusan na inilabas ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ano sa iilang mga LGU officials na alisin na ang pork ban sa mga karneng baboy galing Luzon dahil nalulugi na umano ang Philippine Association of Meat Processors Inc. (Pampi).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Dr. Mary Rose Vincoy, provincial veterenarian, sinabi nitong hindi maaaring alisin ang pork ban sa pangambang makapasok ang African Swine Fever (ASF) virus sa Cebu.

Ikinagagalak naman nito ang panindigan ni Garcia dahil sa tinatayang P10.9 billion hog industry ng lalawigan ang malalagay sa alanganin kapag makapasok sa Cebu ang ASF.

Nakasaad rin naman umano sa Local Government Code na may full-authority ang LGU na magpalabas ng order kung nakasalalay na rito ang kapakananan ng pangkalahatan.