Pangungunahan ni Pope Leo XIV ang magiging inaugural mass ngayong hapon sa St. Peter’s Square bilang opisyal na pagsisismula ng kaniyang pagsisislbi bilang bagong lider at Santo Papa ng simbahang Katolika.
Ang misa ay inaasahang dadaluhan ng higit sa 250,000 na mga inidibidwal mula sa iba’t ibang bansa dahil maituturing na isang makasaysayan na seremoniya ang unang pormal na misa ng bagong Santo Papa.
Ayon sa pamunuan ng Vatican, magtatalaga ng higit sa 5,000 mga security personnel kasama ang elite Vatican security na Swiss Guards mamayang hapon para masiguro na magiging maayos at may sapat na seguridad ang unang misa ni Pope Leo XIV.
Samantala, inaasahan rin ng Vatican na amay mga lider mula sa iba’t ibang mga nasyon ang dadalo rin sa unang misa ng Santo Papa kabilang dito sina US Vice President JD Vance, Ukranian President Volodymyr Zelensky, French Prime Minister Francois Bayrou, Canadian Prime Minister Mark Carney, Italian President Sergio Mattarella at maging si Prime Minister Giorgia Meloni.
Inaasahang dadalo rin ang British Royal Family sa pangunguna ni Duke of Edinburgh na si Prince Edward King kasama sina King Philippe at Queen Mathilde ng Belgium, at maging si King Felipe VI at Queen Letizia ng Espaniya.