-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Canada sa patuloy nitong suporta sa pagpapanatili ng kaayusan sa West Philippine Sea at sa pagpapatupad ng international law sa ilalim ng Unite Nations Convenstions on the laws of the Seas (UNCLOS).

Sa kanilang pag-uusap, tinalakay nina PBBM at Prime Minister Carney ang pagpapalakas ng strategic partnership, kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific, at ang pagpapatuloy ng Dark Vessel Detection Program ng Canada na tumutulong sa Pilipinas laban sa illegal fishing at sa pagpapalakas ng maritime monitoring.

Ipinahayag din ng Pangulo ang interes ng Pilipinas na ipagpatuloy ang naturang programa sa karagatan ng bansa.

“ As the Philippines celebrates the 10th anniversary of the 2016 Arbitral Tribunal Award on the South China Sea, I thanked Canada for its vocal and consistent support for a rules-based order in the South China Sea, under the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), and in upholding the Arbitral Award as final and legally binding,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.