-- Advertisements --

Muling pinagtibay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney ang kanilang pangako na tapusin ang negosasyon para sa Philippine-Canada Free Trade Agreement (FTA) bago matapos ang taon.

Sa kanilang pulong sa Vancouver, Canada, sinabi ni Pangulong Marcos na layunin din ng dalawang bansa na palakasin ang kalakalan, labanan ang economic coercion, at bumuo ng mas matatag na supply chain.

Kabilang sa pangunahing inaangkat ng Canada mula sa Pilipinas ang electronics at makinarya, habang mineral ores, karne, cereal, aerospace parts, at pataba naman ang ilan sa pangunahing iniluluwas nito sa Pilipinas.

Nagsimula ang pormal na negosasyon para sa bilateral FTA noong huling bahagi ng 2025. 

Patuloy rin ang pag-uusap para sa isang ASEAN-Canada Free Trade Agreement.