-- Advertisements --
Kinumpirma ng Vatican na matutuloy ang pagbiyahe sa Canada ni Pope Francis.
Ito ay kahit na may iniindang sakit sa kaniyang tuhod ang 85-anyos na Santo Papa.
Isasagawa ang pagbisita nito sa Canada sa Hulyo 24 hanggang 30 kung saan bibisita ito sa Edmonton, Quebec at Iqaluit.
Makakasalamuha nito ang mga mag-aaral na inabuso sa paaralan na pinapatakbo ng simabahang katolika.
Nauna ng kinansela ng Santo Papa ang biyahe nito sa South Sudan at Democratic of Congo sa Hulyo dahil umano sa pananakit ng kaniyang tuhod na sanhi ng hirap nitong pagtayo.