Sa pamamagitan ng isang aide sa tabi ni Pope Francis, binasa nito ang mensahe ng Santo Papa, makikitang nakaupo ito sa chapel ng kanyang tirahan sa halip na sa St. Peter’s Square.
Sinabi ng Santo Papa na siya ay may lung inflammation. Nagpunta siya sa isang ospital sa Roma noong Sabado para sa isang scan, na ayon sa Vatican nakitaan ng mga komplikasyon sa baga matapos magkaroon ng isang trangkaso na napilitan naman siyang kanselahin ang kanyang mga aktibidad.
Ayon sa pahayag ng Vatican, ang 86-anyos na pontiff ay nakabalik naman agad sa kanyang tirahan sa Vatican matapos sumailalim sa CT scan sa Gemelli Isola hospital sa central Rome noong Sabado ng hapon.
Maalala na ang isa sa mga baga ng santo papa ay tinanggal noong siya ay bata pa sa Argentina.
Samantala, nakatakdang dumalo ang papa sa COP28 climate conference sa Dubai mula Disyembre 1-3, kung saan inaasahang magkakaroon siya ng halos isang buong araw ng bilateral meetings kasama ang world leaders na dadalo sa event.