-- Advertisements --
Hinikayat ni Pope Francis ang mga kabataan na huwag masyadong ubusin ang oras sa paggamit ng kanilang cellphones.
Sa kaniyang pakikipagpulong sa grupo ng kabataan na may kinalaman sa Catholic Action, binigyan ng Santo Papa ang kahalagahan ng pagkakaroon ng eye-contact sa mga taong nakapaligid.
Nagbabala rin ito sa panganib na dulot ng labis na paggamit ng cellphone lalo sa mga kabataan.
Ang nasabing labis na paggamit din ng cellphone aniya ay naghihiwalay sa bawat isa kung saan nawawala na ang pakikipag-tao sa bawat isa.










