-- Advertisements --

Binatikos ni Pope Francis ang mga taong nagtungo sa ibang bansa para takasan ang COVID-19 lockdowns.

Sinabi ng Santo Papa na tila hindi batid ng mga indibidwal na ito ang pagdurusa ng iba sa gitna ng pandemya.

Hindi man lang aniya inisip ng mga ito ang mga taong piniling manatili sa loob ng kanilang bahay, ang economic problems ng maraming indibidwal na lubhang apektado ng lockdown, pati na rin ang mga nagdurusa sa sakit na COVID-19.

Ikinalulungkot aniya nito ang naturang pangyayari.

Ayon kay Pope Francis, walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa taon na ito, pero ang magagawa aniya ng lahat ay magtulungan at alagaan ang isa’t isa at hindi lamang isipin ang pansariling interes. (Reuters)