-- Advertisements --
Naglabas ng pagkadismaya si Pope Francis sa mga malalaking kumpanya at ilang lider ng bansa dahil sa tumitinding epekto ng climate change.
Sinabi ito na nagkakaroon ng negatibo at irresponsable ang mga ipinapakitang istilo ng mga western countries.
Ang mga malalaking industriya aniya na nagbubuga ng mga usok at tila lason sa kapaligiran ay siyang nagpapalala ng epekto ng climate change.
HIndi na mababago pa ang epekto ng climate change at nanawagan na lamang ang Santo Papa ng agarang hakbang ng mga lider ng bansa para matugunan ang epekto ng climate change.