POPE FRANCIS
-- Advertisements --

Nanawagan si Pope Francis sa iba’t-ibang bansa na tulungan ang lumalalang migrant situation sa Libya.

Sinabi nito na dapat makahanap ang mga bansa ng pang-matagalang solusyon para maresolba ang matagal ng problema sa pagtakas ng mga migrants mula Libya.

Karamihan aniya sa mga ito ay nakakaranas ng hindi makataong pagtrato pagdating nila sa ibang mga bansa.

Hindi rin aniya maganda na pabalikin ang mga migrants sa hindi ligtas na bansa at dapat na mabigyan ang mga ito ng prayoridad na maligtas.

Magugunitang maraming mga migrants na galing sa Libya ang lumikas dahil sa patuloy na nagaganap na kaguluhan doon.

-- Advertisement --