-- Advertisements --

Nanawagan si Pope Francis sa mga armadong suspek sa Haiti na pakawalan na ang mga bihag nila.

Kabilang kasi sa binihag ng mga armadong suspek ang anim na madre.

Lulan ng bus ang mga biktima ng harangin sila ng mga armadong suspek sa bahagi ng Port-au-Prince ang capital ng nasabing bansa.

Sa kaniyang misa sa Vatican, sinabi ng Santo Papa na labis siyang nalungkot ng mabalitaan ang insidente.

Humingi na lamang ito ng pagdarasal sa bansa na mawakasan na ang kaguluhan.

Tumindi ang kaguluhan sa Haiti matapos ang panawagan ng pagbaba sa puwesto ni Interim Prime Minister Ariel Henry dahil sa alegasyon umano ng kurapsyon.