-- Advertisements --

Hinikayat ni Pope Francis ang Israel at Palestine na magkasundo na.

Kasunod ito sa muilng pagsiklab ng kaguluhan nitong nakaraang mga araw.

Sa kaniyang misa sa St. Peters Square, sinabi ng 86-anyos na Santo Papa na kada araw ay nadagdagan ang bilang ng mga nasasawi dahil sa nasabing kaguluhan.

Bukod sa dalawang panig ay tinawag din ng Santo Papa ng pansin ang ibang mga bansa na tumulong para matuldukan na ang kaguluhan.

Magugunitang ilang Palestinians ang nasawi sa ginawang raid ng mga Israels sa West Bank kung saan target ng mga sundalo ng Israel ang mga militant groups ng Palestines.