-- Advertisements --
Umaasa si Pope Francis na matuloy ang pagdalaw nito sa Democratic Republic of Congo at South Sudan.
Kasunod ito sa pagkansela niya ng biyahe sa darating na buwan dahil sa pananakit ng kaniyang kanang tuhod.
Isinagawa nito ang anunsiyo ng pangunahan niya ang lingguhang Angelus Prayer sa St.Peter’s Square.
Ayon sa 85-anyos na Santo Papa na kinailangan niyang kanselahin ang pagdalaw sa nasabing mga bansa dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod.
Labis itong nalulungkot at humingi na lamang ito sa mga dumalo sa kaniyang misa sa Vatican na ipagdasal na lamang siya na agad na gumaling para ito ay makabisita sa mga bansa.
Nakatakda sana sa Hulyo 2 hanggang 7 ang nasabing pagbisita nito sa dalawang bansa.