-- Advertisements --
Naging payak ang pagdiriwang ni Pope Francis ng kaniyang ika-87 na kaarawan.
Kasama niya ang mga bata mula sa pediatric clinic ng Vatican at hinipan ang birthday cake.
Sa kaniyang tradisyunal na Christmas season event sa St. Peter’s Square ay binati siya ng mga kabataan sa kaniyang kaarawan.
Ipinaabot rin ng mga lider ng iba’t-ibang bansa ang kanilang pagbati sa Argentinian pope.
Isinilang noong Disyembre 17,1936 bilang si Jorge Mario Bergoglio sa Buenos Aires.
Noong Marso 13, 2013 ng mapili siya bilang unang Santo Papa mula sa Latin America.