-- Advertisements --

Magtutungo sa Mongolia si Pope Francis sa huling linggo ng buwan ng Agosto.

Kinumpirma ito ng Vatican matapos na patuloy umanong gumaganda na ang kalusugan ng 86-anyos na Santo Papa.

Ayon sa Vatican na mula Agosto 31 hanggang Setyembre 4 ang biyahe ng Santo Papa at maari lamang itong makansela kapag nagkaroon ng hindi inaasahang aberya.

Papasyal ang Santo Papa sa Ulaanbaatar ang capital ng Mongolia kung saan matatagpuan ang nasa 1,300 na katolika.

Para makapagpahinga ito ay wala itong aktibidad sa kaniyang unang araw pagdating sa Mongolia.

Sa nasabing biyahe ay makakasalamuha niya ang ilang opisyal ng Mongolia ganun din ang mga pari, obispo at ilang alagad ng simbahan.

Bago ang biyahe sa Mongolia ay magtutungo ang Santo Papa sa Portugal mula Agosto 2-4.

Magugunitang nananatili ng siyam na araw sa pagamutan ang Santo Papa matapos na operahan sa kanilang colon.