-- Advertisements --

Nagpahayag ng labis na kalungkutan si Pope Francis kasuod nang pagkamatay ni dating Japanese prime minister Shinzo Abe na na-assinate noong Biyernes.

Sinabi ng Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin na nagpadala na raw si Pope Francis ng telegrama kay Apostolic Nuncio Leo Boccardi ng Japan.

Sa kanyang mensahe, nagpaabot din ang Santo Papa nang pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Abe maging sa lahat ng mga taga-Japan.

Kung maalala, binaril si Abe na naging longest-serving prime minister ng Japan habang nagtatalumpati ito sa isang campaign event.