Kinondina ni Pope Francis ang naganap na terror attack sa simbahang katolika sa Ondo, Nigeria na ikinasawi ng mahigit 50 katao kabilang ang mga bata.
Sa mensahe na ipinarating ng Santo Papa sa pamamagitan ni Mattero Bruni ang Director of the Holy See na nanawagan ito ng pagdarasal sa mga biktima.
Naganap ang insidente sa St. Francis Xavier Church habang isinasagawa ng misa sa Pentecost Sunday.
Pinasok ng mga suspek ang simbahan at nagpasabog pa ang mga ito ng bomba.
Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga biktima dahi sa maraming mga itinakbo sa pagamutan ang nasa malubhang kalagayan.
Nagpaabot rin ng pakikiramay si NIgerian Nigerian President Muhammadu Buhari sa mga biktima ng insidente at tiniyak nito na kanilang pananagutin ang mga nasa likod ng insidente.
Wala ng grupong umaako sa terror attack.