-- Advertisements --
Kinondina ni Pope Frances ang pag-atake ng mga armadong kalalakihan sa isang Simbahang Katolika sa Istanbul, Turkey.
Sa kaniyang misa sa Vatican, na labis itong nalungkot sa nasabing pamamaril ng ilang kalalakihan sa St. Mary Draperis Church kung saan isa ang nasawi.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek na tinutuigis pa rin ng mga kapulisan.
Nanawagan na rin si Apostolic Vicar of Istanbul and the Apostolic Administrator of Constantinople, Bishop Massimiliano Palinuro sa mga otoridad na agad na mabigyan ng hustisya ang nasabing nangyaring pamamaril.