-- Advertisements --

Kinansela ni Pope Francis ang pagbisita nito sa Democratic Republic of Congo at South Sudan dahil sa ininda nitong sakit sa tuhod.

Ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni na pinayuhan ng kaniyang doctor na bawal pa ito bumiyahe.

Nakakasama aniya ito sa tuhod ng Santo Papa na kasalukuyang nagpapagaling.

Sa unang plano kasi ay isasagawa sana sa Hulyo 2 hanggang 7 ang pagbisita nito sa dalawang bansa at dahil dito ay ipagpapaliban na lamang ito.

Magugunitang maraming mga kaganapan ang hindi na nadaluhan ng 85-anyos na Santo Papa dahi sa pananakit ng kaniyang kanang tuhod at ito ay nakasakay na sa wheelchair tuwing nagsasagawa ng misa.