-- Advertisements --
Sumentro sa giyera sa pagitang ng Ukraine at Russia ang naging mensahe sa Christmas Day blessings sa Vatican ni Pope Francis.
Kaniyang ipinagdarasal na maliwanagan ang kaisipan ng mga nanunungkulan para matigil na ang kaguluhan.
Dapat na alalahanin ang mga mamamayan sa Ukraine na nagdurusa ngayong Pasko kung saan tinitiis ang dilim at lamig ng panahon dahil sa paglusob ng Russia.
Bukod sa giyera sa Ukraine ay ipinagdasal din ng Santo Papa ang nangangambang kagutuman sa Afghanistan at ilang bansa sa Africa.
Bagamat bahagyang humupa ang kaguluhan sa Syria ay hindi pa rin ito tuluyang natitigil.