-- Advertisements --

Ikinalungkot ni Pope France na ang tigil putukan sa Gaza ay nawala na hinikayat muli ang Israel at Hamas na magpatupad ng permanenteng tigil putukan.

Sa kaniyang mensahe mula sa kaniyang private residence na ipinalabas sa giant screens sa mga nasa St. Peter Squares, sinabi nito na marami ng paghihirap ang nararanasan sa Gaza at marapat na magkaroon na ng tigil putukan.

Kasama rin na ipinagdasal ng Santo Papa ang mga biktima ng pagsabog sa Marawi nitong Linggo.

Dagdag pa ng Santo Papa na nalulungkot ito sa pangyayari at ipinarating niya ang kaniyang pakikiramay sa mga biktima ng nasabing pagsabog.