-- Advertisements --
Isinagawa ni Pope Francis ang misa at tradisyunal na washing of the feet sa Casal del Marmo isang juvenile penitentiary.
Hinugusan nito ang paa ng 10 mga kabataan lalaki at dalawang dalagita na may edad mula 14 hanggang 25-anyos.
Dalawa sa kanila ay mula sa Sinti group isang subgroup ng mga Romani na matatagpuan sa Germany habang ang iba ay mga Croaitan, Senegal, Romanian at Russians.
Ito na ang pangalawang beses na nagtungo doon ang Santo Papa para isagawa ang paghuhugas ng paa na ang una ay noong 2013 noong siya ay bagong upo sa puwesto.
Sa kaniyang homily ay binigyan niya ng halaga ang pagtutulungan kahit na hindi maganda ang pakikitungo ng isang tao.