-- Advertisements --
Kanselado ngayon ang biyahe ni Pope Francis patungong Dubai para dumalo sana sa COP28 climate talks.
Ito ay kasunod ng mga abiso ng kaniyang mga health doctors matapos ang kamakailan lang na dinanas na flu-like symptoms ng Santo Papa.
Sa isang statement ay sinabi ni Vatican spokesman Metteo Bruni na bagama’t mas naging maayos na ang general clinical condition ng Santo Papa patungkol sa kanyang mala-trangkasong kondisyon at pamamaga ng respiratory tract, ay hiniling ng doktor nito na huwag na siyang patuluyin sa kaniyang biyahe patungong Dubai.
Samantala, gayunpaman ay nagpahayag pa rin aniya ng kagustuhan si Pope Francis na maging bahagi ng naturang talakayan kung kaya’t sa ngayon ay patuloy pa rin silang humahanap ng paraan upang magawa ito.