-- Advertisements --

Bumisita si Pope Francis sa Italian prison upang magdaos ng misa para sa Huwebes Santo.

Dito ay hindi lamang nangaral ang santo papa kundi hinugasan at hinalikan din niya ang mga paa ng 12 inmates dito bilang paggunita sa pagpapakita ni Jesus nang pagpapakumbaba sa kanyang mga apostol isang gabi bago ang kanyang kamatayan.

Sa taong ito ay nagtungo si Pope Francis sa lungsod ng Civitavecchia sa Roma, at kabilang sa mga hinugasan at hinalikan niyang mga paa ay mga babae, at lalaking inmates, at isang matandang babae.

Sa kanyang homily ay ipinahayag ng papa na ito ay isa sa kanyang pamamaraan na sabihing hindi siya manghuhusga ng sinuman at bagkus ay sinusubukan niya pa raw na maglingkod sa bawat isa.

Magugunita na kaiba sa mga nauna sa kanya na ginaganap ito sa St. Peter’s Basilica o iba pang mga katedral sa Roma ay ipinagpatuloy ni Pope Francis ang tradisyon na ito na ginaganap sa mga kulungan o di kaya ay sa mga tahanan para sa mga nakatatatanda.