-- Advertisements --

Binalaan ni Pope Francis ang mga pari sa masamang epekto ng online pornography.

Sinabi ng Santo Papa na ang soft porn temptation ay nagpapahina sa puso ng isang pari.

Isinagawa ng 86-anyos na Santo Papa ang pahayag sa pakikipagpulong nito sa mga seminarista at mga nais mag-pari na nasa Roma.

Hindi aniya masama ang mga paggamit ng digital at social media basta ito ay gagamitin sa tama at hindi sa makamundong gawain.

Mula pa noon ay kinondina na ng Santo Papa ang pornograpiya kung saan ito ay isang uri ng pag-aatake sa dignidad ng mga kalalakihan at mga kababaihan.

Mararapat na magkaroon ng banal at puso ang isang kaparihan para mailayo ito sa tawag ng tukso at masamang epekto ng pornograpiya.