-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa iba’t-ibang bansa so Pope Francis.
Ayon sa Vatican, ilan sa mga bibisitahin ng Santo Papa sa buwan ng Setyembre ay ang Singapore, Papua New Guinea, Indonesia at East Timor.
Mula Setyembre 2 hanggang 13 ang nasabing biyahe na siyang itinuturing na pinakamahabang biyahe ng 87-anyos na Argentinian Pope mula ng maupo noong 2013.
Magsisimula ito sa Jakarta mula Setyembre 3-6 na susundan ng Port Moresby at Vanimo sa Papua New Guinea mula Setyembre 6-9, Dili sa East Timor mula Setyembre 9-11 at Singapore mula Setyembre 11 -13.
Ang nasabing biyahe ay noon pa sanang 2020 subalit ito ay kinansela dahil sa COVID-19 pandemic.